“Na-feel ko po before na hindi ako magaling.”

Graduation photo of Janelle Fauni and the list of Top 10

Gaya ng ibang estudyante, noong nasa kolehiyo pa lang ay maraming doubts si Janelle sa sarili. “Lalo na nung bandang first year pa lang ako at nasa pandemic nun, feeling ko ay average student lang ako.”

Isang registered midwife ang nanay ni Janelle Toledo Fauni, 22, kaya sinundan niya ang mga yapak nito.

Tubong Tagaytay City, pangalawa siya sa tatlong magkakapatid.

Nagtapos si Janelle ng Diploma in Midwifery sa Cavite State University-Indang, Cavite, noong August 16, 2023.

Related Posts

Top 1 siya sa November 2023 Licensure Examination for Midwives, with a rating of 91.65 percent.

Nakakuwentuhan si Janelle ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last February 5, 2024 via Facebook Messenger.

Photo of Janelle Fauni

Pagbabahagi niya, noong una, ang gusto sana niya ay kumuha ng Bachelor of Science in Biology.

“Kaso naisip ko na want ko ring magka-license, so, pinaka-ideal na sa akin ang Bachelor of Science in Nursing.

“Nag-apply po ako sa dream school ko—sa University of the Philippines-Manila—pero sadly, hindi po ako pinalad sa UPCAT (UP College Admission Test).

“Nung nag-apply na ako sa CvSU, naisip ko pong mag-take ng midwifery para same kami ng title ni Mama.”

JANELLE’S MOMENTS OF DOUBTS

Gaya ng ibang estudyante, noong nasa kolehiyo pa lang ay maraming doubts si Janelle sa sarili.

“Na-feel ko po before na hindi ako magaling. Marunong lang… ganun.

“Lalo na nung bandang first year pa lang ako at nasa pandemic nun, feeling ko ay average student lang ako.

“Pero nagtuloy pa rin akong mag-strive kasi ayokong mag-settle sa ‘marunong lang.’

“Kailangang galingan din sa life.”

Para madagdagan at mahasa ang kanyang knowledge and skills, nanood siya ng maraming demonstrations sa YouTube.

Bukod dito, “Marami-raming binasang libro, saka nagpuyat sa dami ng requirements na need kong i-comply.”

 

JANELLE’S REVIEW PERIOD

Nang maka-graduate, naging malaking challenge kay Janelle ang pagbiyahe mula Tagaytay papuntang Manila linggu-linggo.

“Kasi sa Manila po ang review center ko.

“Tipong kahit sa bus, nagre-review ako.”

Ani Janelle, talagang sineryoso at tinutukan niya ang pagre-review.

“Kahit sa pagligo, isinasabay ko ang pakikinig ng recorded lectures kasi feel ko ay napag-iiwanan ako sa review.”

Photo of Janelle Fauni

Naging challenge din sa kanya ang pagkukumpleto ng requirements for board exam.

“Muntik na akong hindi makahabol sa deadline ng PRC Board Application gawa ng marami-rami akong need na ayusin na papers, at need ko pa ulit umuwi ng Cavite para maayos lahat iyon.”

 

JANELLE’S EXAM

Sa araw mismo ng board exam, hindi niya napigilang magdasal.

“May ibang questions na madali, may questions na kinaya, may questions na hindi ako sure kung ano ba yun, pero marami ring mahihirap at challenging.

“Minsan, may times na binibitawan ko ang lapis ko, sabay pikit at pray.

“Wala na akong pake kung nakikita ako ng proctors sa unahan. Basta tumitigil ako minsang magsagot para mag-pray, at nanghihingi ng sign kay Lord kung tama ba ang sagot na pipiliin ko sa mga question na hindi ako sure at all.

Aminado naman siya na pinangarap talaga niyang maging board topnotcher.

“Bago ko pa lang po pinili yung course ko sa college, bago pa ako tanggapin ng CvSU, naghahangad na akong maging topnotcher sa kung anumang board exam ang ite-take ko.

“Kasi siyempre ang laking karangalan noon. Ilan lang ang nakaka-top sa boards—sampu o higit pa depende kung may mag-tie man sa spot.

“Kaya nag-manifest ako na sana ako rin someday… na sana makita ko rin ang pangalan ko sa listahan na yun.”

JANELLE’S REACTION TO TOP-ONE FINISH

Nang lumabas ang result ng board exam ay nasa isang movie house si Janelle para manood ng concert ni Taylor Swift.

“Nag-uninstall po ako ng social media apps ko nun para hindi ko isipin yung release ng results that day.

“Nagsunud-sunod ang tawag sa akin ni Mama, at doon ko siya sa CR ng sinehan sinagot.

“Doon ko po nalaman na topnotcher pala ako, kaya doon ako sa CR humagulgol nang sobra at puro pasasalamat lang kay Lord ang nasabi ko.”

Ani Janelle, kasalukuyan pang kinakanta ni Taylor Swift ang “You’re On Your Own Kid” nang malaman niyang pasado siya sa board at Top 1 pa.

Photo of Janelle Fauni

“Doon ko isinabay yung iyak ko and puro ‘Salamat po, Lord’ lang nasabi ko nang paulit-ulit.

“Nakatulala lang ako sa tren pauwi ng Recto nun kasi overwhelmed akong masyado sa nangyari.”

Inialay ni Janelle ang tagumpay sa kanyang family at mga kaibigan na naniwala sa kanyang kakayahan.

“Kay Mama, lalo na. Pero pinakainiaalay ko lahat nang tagumpay ko kay Lord.

“Kasi Siya at Siya lang ang nakakaalam ng isinisigaw ng puso ko mula simula. At sinagot Niya lahat nang panalangin ko.”

Ang plano ni Janelle ay mag-aral pang muli.

“Magte-take po ako ng nursing. Ayun pa lang po as of now.”

Ang payo niya sa mga tutuntong sa kolehiyo, “Tandaan niyo lagi na piliin niyo ang bagay na tama at bagay na makapagpapasaya sa inyo.

“Kasi at the end of the day, ikaw at ikaw lang ang nakakaalam kung fulfilling ba ang kursong tatahakin mo.

At kung anuman ani Janelle ang mapiling kurso, “Ibigay ang buong puso, and be the best version of yourself as a professional.”

(Janelle’s quotes were published as is.)