Awra: “Hanggang kailan niyo gagamitin/icocomment yang Bronny James na’yan.”

awra briguela graduation

Awra Briguela reacts to comment misgendering her; asks netizens when will they stop calling her “Bronny James?”
PHOTO/S: @awrabriguela on Instagram

Nag-react ang administrator ng Facebook page ni Awra Briguela matapos i-misgender ng isang content creator ang trans actress.

Noong July 14, 2025, ibinahagi ng ABS-CBN News sa Facebook ang balita ng pagtatapos ni Awra sa senior high school mula sa University of the East, Manila.

Nakasaad sa title ng artikulo, “Awra Briguela on finally getting her high school degree: ‘Simula pa lang ito’”

Related Posts

Ni-reshare ito ng content creator na si Sir Jack Argota.

Sa kanyang caption ay pinuna nito ang paglalarawan ng artikulo kay Awra bilang “her.”

Sabi niya sa caption, published as is, “Anong her? Goodluck bro!”

Ibinahagi ito ng administrator ng Facebook account ni Awra.

Sabi nito sa caption, “Sa pagiging mabait na nga lang babawi di pa nagawa. -Admin”

Awra Briguela post
Sinegundahan pa niya ito tungkol sa pagkakaroon ng cleft palate ng content creator.

Sabi nito, “talo ako don, sya ang tunay na trans may h1wä siya eh – Admin”

AWRA ON “SIR” AND “BRONNY JAMES” COMMENTS

Sa isang hiwalay na post ni Awra, muli siyang tinawag na “sir” at “Bronny James” ng ilang netizens.

Netizens on Awra Briguela

Netizens on Awra Briguela

Netizens on Awra Briguela

Netizens on Awra Briguela

Netizens on Awra Briguela
Tanong ni Awra sa netizens: “Hanggang kailan niyo gagamitin/icocomment yang Bronny James na’yan. 2025 na andyan pa rin kayo? -Admin”

Bago ito, hindi ikinatuwa ni Awra ang pagtawag sa kanya ng bashers na “Bronny James” noong February 2025.

Si LeBron Raymone “Bronny” James Jr. ay professional basketball player na naglalaro para sa Los Angeles Lakers ng NBA.

Siya ay anak ng basketball superstar na si LeBron James.

Sa kanyang Instagram Channel, ibinahagi ni Awra ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng isang netizen na tumawag sa kanyang “Bronny James.”

Base sa sagot ng TV and movie personality, mahihinuhang ang netizen ay ka-schoolmate ni Awra sa University of the East, kung saan siya nag-aaral ng senior high school noon.

Sa huli ay humingi ng patawad kay Awra ang netizen.

Sabi ni Awra sa netizen: “What you’re doing is inappropriate.

“As a Grade 9 student with honors, I would expect more maturity from you.

“Yet, you continue to spam me with Bronny James comments as if we were close friends.

“This behavior is unacceptable, and I will be reporting it to your school as it constitutes cyberbullying.

“I hope you take this as an opportunity to reflect and learn. You are still young choose the right path and always strive to be kind.”