Si Benj Manalo, isang kilalang Filipino actor, ay umani ng atensyon online matapos niyang ibahagi ang kanyang kalagayan isang buwan matapos ang kanyang operasyon ngayong taon.

Source: Instagram
Sa kanyang opisyal na Instagram page, nag-post ang aktor ng isang maikling video clip kung saan makikitang inuulit-ulit niyang bine-bend ang kanyang tuhod — isang positibong senyales ng unti-unti niyang paggaling mula sa ACL surgery na kanyang pinagdaanan kamakailan lang.
Kasama ng video ay ang caption na puno ng pasasalamat sa Diyos, “ACL recovery. You are an amazing God! Mabuhay ka! Maghari ka sa buhay ko. Sa buhay namin. Sa buong mundo!”
Man allegedly under the influence of illegal substance runs amok in a computer shop, 2 dead
Ngunit higit sa caption, mas nakaantig sa damdamin ng netizens ang isinulat ni Benj mismo sa video niya tungkol sa kanyang faith at pati na rin sa pagiging thankful niya, “What am I thankful for today? I get to bend my knee almost near my bottom. ACL post op, 1 month and 16 days.”
Nagpatuloy si Benj sa pagpupuri sa Diyos dahil sa kanyang katapatan at pangongomfort sa panahon ng kanyang matinding pagsubok matapos siyang operahan ngayong taong 2025.
“Lord, thank you for being with me. You kept your promise. Since Day 1, you’ve comforted me. You are truly my saviour, my healer, my peace. Thank you, Father. In Jesus’ name. Amen,” aniya Benj.
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan sina Benj at ang kanyang asawa na si Lovely Abella matapos nilang ibahagi na kailangang sumailalim sa isang mahalagang operasyon si Benj, kasunod ng injury na tinamo niya sa isang laro ng basketball. Dahil dito, marami sa kanilang mga fans at followers ang talaga namang nag-alala sa kanyang kalagayan at recovery niya rin.
Jolina Magdangal reveals her biggest regret after attending Park Seo Joon’s fan meet: “Ang hirap”
Ngunit ngayon, ikinatuwa ng mga netizens ang makitang maayos na ang kanyang paggaling.
Si Benj Manalo ay isang Filipino aktor. Anak siya ng tanyag na komedyanteng si Jose Manalo at Anna Lyn Santos. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Pinggoy sa hit seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, pati na rin sa iba pang palabas tulad ng On the Wings of Love at Kadenang Ginto. Bukod sa telebisyon, nagtagumpay din siya sa teatro, kasama ang Rak of Aegis. Sa kanyang personal naman na buhay, si Benj ay ikinasal kay Lovely Abella noong 2021 sa Quezon City.
Sa nakaraang ulat noong 2024 ay kumita sina Lovely Abella at Benj Manalo ng P4 milyon hanggang P5 milyon kada buwan mula sa live selling noong kasagsagan ng pandemya. Ngunit nawala ang kanilang Facebook page na may mahigit 1 milyong followers habang nasa Singapore sila para sa isang jewelry convention na nagdulot ng matinding takot sa dalawa.
Agot Isidro apologizes for forgetting lines, cites fatigue from nonstop work
Samantalang noong 2024 din ay nabinyagan bilang mga Christians sina Lovely Abella at Benj Manalo. Sila ay sumapi sa Victory Christian Fellowship sa Greenhills. Ibinahagi ng mag-asawa ang mga emosyonal na larawan mula sa seremonya sa kanilang Instagram. Nagpahayag si Lovely ng pasasalamat para sa kanilang spiritual journey at pati na rin sa suportang natanggap nila.
News
Kris Aquino, patuloy ang laban sa sakit habang unti-unting lumalakas
Patuloy ang laban ni Kris Aquino sa kanyang autoimmune illnesses, at bagama’t mabagal ang progreso, dama ng mga malalapit sa kanya ang…
Late but Legendary: Actress Eunice Lagusad Finally Finishes High School at 27!
Actress Eunice Lagusad is celebrating a major life milestone! She has officially finished high school at the age of 27Â through…
NAPAIYAK ANG LAHAT! Eat Bulaga Family Nabigla sa Biglaang Pagpanaw ng Mahal na Kasamahan — Mga Huling Sandali, Emosyonal na Mensahe, at Ang Tunay na Sanhi ng Kanyang Pagkawala, Isiniwalat na Ngayong Araw! 😢💔 Buong Bansa, Nagluluksa!
Eat Bulaga Nalugmok Sa Pagdadalamhati: Kasamahang 22 Taon Na Sa Show, Pumanaw Na Isang mabigat na balita ang bumungad sa…
MATINDING PANGYAYARI BAGO MANGANAK! Iya Villania, HALOS HINDI NA ITULOY ANG PAGPAPANGANAK DAHIL SA MATINDING TAKOT—Isiniwalat ang Kinahaharap na Peligro na Kumabog sa Puso ng Buong Pamilya! Netizens, Napaluha sa Kanyang Pag-amin at Laban Para sa Anak!
Ibinahagi ng Kapuso TV host na si Iya Villania-Arellano ang kanyang naramdaman bago ang pagsilang ng kanilang baby number 5…
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short …
Romeo Beckham shares unseen pics with sister Harper – after he blocks Brooklyn in family feud
ROMEO Beckham has shared unseen images with little sister Harper as his feud with brother Brooklyn escalates. The 22-year-old showcased…
End of content
No more pages to load