GMA 75th Anniversary Special, nanguna sa ratings

beyond 75 gma anniversary special

Kapuso Primetime King & Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera lead the Kapuso stars in celebrating the 75th anniversary of GMA Network.
PHOTO/S: Nice Print Photography / GMA Network

GORGY RULA

Na-preempt ang Stars on the Floor at Magpakailanman noong Sabado, July 12, 2025, dahil sa anniversary special ng GMA-7, ang Beyond 75: The GMA 75th Anniversary Special.

Naka-7.4% ito sa ratings.

Related Posts

Ang mga nakakatapat nitong Idol Kids Philippines ay naka-5.3% at MMK ay 2.9%.

Kuwento ng buhay ng Pilipinas Got Talent winner na si Cardong Trumpo, na ginampanan ni JM de Guzman, ang ipinalabas sa MMK.

COMMENTS ABOT THE GMA ANNIVERSARY SPECIAL

Okay na rin ang nakuhang rating ng Beyond 75 special dahil ang mga ganitong programa ay hindi talaga mataas ang viewership.

May mga nagko-comment pang halatang tinipid daw ang anniversary special dahil ginawa lang ito sa studio ng GMA Network.

May nag-comment din sa amin na No. 1 station pa naman daw ang GMA-7, bakit hindi nila ito ginastusan sa isang sosyal na hotel.

May nagsabi pang “seventipid” ang 75th anniversary ng Kapuso Network.

Meron naman kasing pinaghahandaang GMA Gala 2025 na nakatakda na sa August 2, at yun talaga ang pinabongga at ginastusan nang husto. Iyan ang ating aabangan.

Napanood ko ang halos kabuuan ng Beyond 75: The GMA 75th Anniversary Special na collaboration ang tema.

Maayos ang production numbers. Pero ang pinakagusto ko ay ang duet nina Julie Anne San Jose at Sam Concepcion dahil napakagaling nila.

JULY 12 RATINGS

Narito ang ratings ng iba pang programa noong nakaraang Sabado:

It’s Showtime, 5.1%; Eat Bulaga!, 3.3%

My Father’s Wife, 6.1%; Tadhana, 5.8%

Wish Ko Lang, 5.1%, Maka, 4.2%

24 Oras Weekend, 6.6%; Pepito Manaloto, 7.2%

JERRY OLEA

Noong Linggo, July 13, ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho pa rin ang nangunguna sa primetime.

Medyo tumaas naman ang All-Out Sundays (AOS) magmula nang nag-guest ang PBB Celebrity Collab Edition housemates.

Ang AOS ay naka-3.7%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na 3.3%, at ang Resibo Walang Lusot Ang May Atraso ay 3.7%.

Ang FPJ Sa GMA naman na laging may viewers ay naka-4.9%.

Pagdating sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay naka-6.4%.

Sumunod ang Bubble Gang na magi-thirty years na ay 6.4%. Ang katapat nitong Rainbow Rumble ay 1.7%.

Maganda pa rin ang rating ng The Clash na 8.3%.

Ang KMJS ay 14.8%, at ang katapat nitong Idol Kids Ph ay 3.8%, at ang Rated Korina ay 1.2%.

Ang The Boobay and Tekla Show naman ay 3.2%.

NOEL FERRER

Noong Biyernes, July 11, ay medyo dumikit ang Encantadia Chronicles: Sang’gre sa FPJ’s Batang Quiapo.

Ang patapos nang Incognito ay konti lang ang itinaas sa Sanggang Dikit FR.

Sa mga afternoon drama ay ang Mommy Dearest pa rin ang mataas lalo na’t isang linggo na lang ay matatapos na ito.

Medyo bumaba ang viewing level ng Afternoon Prime.

Kung totoo man ang kumakalat na magbabalik na ang Wowowin ni Willie Revillame at magiging ka-back to back na raw ito ng Eat Bulaga! sa TV5, malaki kaya ang epekto nito sa It’s Showtime?

Noong Biyernes ay 5.1% ang It’s Showtime, at 3.5% ang Eat Bulaga!.

Ang My Father’s Wife ay hindi pa rin talaga umaarya nang bongga. Naka-5.7% ito.

Ang Mommy Dearest ay 6.5%, at ang Akusada ay 5.8%.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda, kung saan guest ang PBB Celebrity Collab Second Big Placer na si Ralph de Leon at Will Ashley (RaWi), na naka-4.7%.

Ang The Lovely Runner ay 3.1%. Ang Family Feud naman ay 7.2%.

Pagdating sa primetime ay 13.1% ang 24 Oras; 2.6% ang TV Patrol; at 2.2% ang Frontline Pilipinas.

Naka-12.4% ang Sang’gre, at 12.7% ang FPJ’s Batang Quiapo.

Sumunod ang Sanggang Dikit na naka-8.1%, at ang Incognito ay 8.3%.

Sumunod ang Amazing Earth na 4.1%, at ang Sins of The Father ay 3.5%.