Si Jessy Mendiola, isang aktres at kilalang celebrity mom, ay muling naging usap-usapan matapos ang kanyang matapat at emosyonal na panayam sa YouTube channel ni Ogie Diaz.

Source: Youtube
Sa interview, tinanong siya ni Ogie kung anong “fake news” ang gusto niyang linawin kung mabigyan siya ng chance. “Anong fake news ang… yung napaniwala ang mga tao pero fake news? Pero gusto mong linawin,” tanong ni Ogie na diretsahang sinagot ni Jessy, “Na third party ako.”
Bagamat una’y tila umiwas si Jessy sa pag-elaborate at nagbiro pa tungkol sa painting sa likod ni Ogie, na naging dahilan ng tawanan nila, kalaunan ay seryosong sinagot din niya ang tanong.
“Hindi, ayoko kasi ring maungkat pa kasi alam naman natin na hindi totoo at kumbaga, masaya na tayong lahat. Pero yun lang yung ano… yung fake news na yun. Kasi sinagot ko na rin yun before eh, but the sad thing about that also was kahit sinagot ko na siya nang paulit-ulit before at the height of that issue, hindi ako pinapaniwalaan ng mga tao,” paliwanag ni Jessy kay Ogie.
Ibinahagi rin ng aktres kung gaano kahirap ang sitwasyon niya noon, lalo na kapag hindi naniniwala ang publiko sa kanya. “Ang hirap din kasi kahit ano pang sabihin mo, kung ano ang tingin ng tao na ay tama para sa kanila at totoo para sa kanila, yun ang papaniwalaan nila. Kahit ano pang pangkukumbinsi ang gawin mo, kahit yun naman talaga yung totoo,” aniya Jessy.
Sa huli, inamin ni Jessy na napilitan na lamang siyang bitiwan ang isyu at ipaubaya ito sa Diyos, “Ni-let go ko na rin yun. Sabi ko nga kay Lord nun, ‘Sige, Lord, sabihin lang nila kahit anong gusto nilang sabihin tungkol sakin. Basta alam ko, ire-reward mo rin ako when the right time comes.’ So true enough, nagkaroon ako ng magandang pamilya and masaya na ako ngayon,” sabi pa niya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Jessy Mendiola ay isang sikat na Filipina aktres. Noong 2007, opisyal siyang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 ng ABS-CBN. Sa sumunod na mga taon, gumanap siya sa ilang mga supporting role sa serye at kalaunan ay bumida na rin sa ilang hit series tulad ng Budoy, Paraiso, at Maria Mercedes. Bukod sa kanyang mga tungkulin sa telebisyon, nagkaroon din siya ng ilang pagganap sa pelikula. Sa kanyang personal na buhay naman ay kasal siya kay Luis Manzano at sila ay may isang anak na nagngangalang Isabella Rose, na tinatawag din nilang Rosie o Peanut.
Sa nakaraang ulat ay nag-post si Jessy Mendiola ng isang tribute para sa ABS-CBN Tower habang ito’y naghahanda para sa demolisyon. Inilarawan ng aktres ang tower bilang isang simbolo ng mga pangarap, pag-asa, at pamilya sa loob ng mahigit isang dekada niyang karera sa network. Binalikan din ni Jessy ang mga unang araw niya bilang artista noon.
Samantalang noong June ay nag-viral naman sina Jessy Mendiola at Luis Manzano dahil sa vlog ng huli. Kamakailan lang ay pinag-usapan ng dalawa ang kanilang journey sa pangangampanya. Sa nasabing vlog ay naitanong din si Jessy ukol sa reaksyon niya sa desisyon ni Luis noon. Pag-amin ng aktres, hindi raw niya talagang gustong tumakbo si Luis sa pulitika noon.
News
Kris Aquino, patuloy ang laban sa sakit habang unti-unting lumalakas
Patuloy ang laban ni Kris Aquino sa kanyang autoimmune illnesses, at bagama’t mabagal ang progreso, dama ng mga malalapit sa kanya ang…
Late but Legendary: Actress Eunice Lagusad Finally Finishes High School at 27!
Actress Eunice Lagusad is celebrating a major life milestone! She has officially finished high school at the age of 27 through…
NAPAIYAK ANG LAHAT! Eat Bulaga Family Nabigla sa Biglaang Pagpanaw ng Mahal na Kasamahan — Mga Huling Sandali, Emosyonal na Mensahe, at Ang Tunay na Sanhi ng Kanyang Pagkawala, Isiniwalat na Ngayong Araw! 😢💔 Buong Bansa, Nagluluksa!
Eat Bulaga Nalugmok Sa Pagdadalamhati: Kasamahang 22 Taon Na Sa Show, Pumanaw Na Isang mabigat na balita ang bumungad sa…
MATINDING PANGYAYARI BAGO MANGANAK! Iya Villania, HALOS HINDI NA ITULOY ANG PAGPAPANGANAK DAHIL SA MATINDING TAKOT—Isiniwalat ang Kinahaharap na Peligro na Kumabog sa Puso ng Buong Pamilya! Netizens, Napaluha sa Kanyang Pag-amin at Laban Para sa Anak!
Ibinahagi ng Kapuso TV host na si Iya Villania-Arellano ang kanyang naramdaman bago ang pagsilang ng kanilang baby number 5…
Benj Manalo, nagbigay ng update sa ‘ACL recovery’ isang buwan matapos ang surgery
Si Benj Manalo, isang kilalang Filipino actor, ay umani ng atensyon online matapos niyang ibahagi ang kanyang kalagayan isang buwan…
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short …
End of content
No more pages to load