Rest in peace, Kang Seo Ha.

Korean actress Kang Seo Ha passes away at 31

South Korean actress Kang Seo Ha, known for her roles in Heart Surgeons and First Love Again, dies on July 13, 2025, after battling stomach cancer.
PHOTO/S: @yewonyewoni on Instagram

Pumanaw na ang South Korean actress na si Kang Seo Ha matapos ang pakikipaglaban sa sakit na stomach cancer.

Binawian ng buhay si Kang Seo Ha noong Linggo July 13, 2025.

Siya ay 31.

Related Posts

Isang kapamilya ni Kang Seo Ha ang nag-post sa Instagram ng video clip kung saan makikita ang pinagsama-samang litrato ng Korean star noong nabubuhay pa ito.

Sa caption ng nasabing post, inalala ang kabutihan ni Kang Seo Ha bilang anak, kapatid, at kaibigan na inuuna umano ang kapakanan ng mga mahal sa buhay bago ang kanyang sarili.

Mababasa rito: “I still can’t believe it, sister. Even while enduring such immense pain, you worried about those around you and about me.

“Even though you couldn’t eat for months, you insisted on paying for my meals with your own card and never let me skip a meal.

“My angel, who left us far too soon. Even as you endured everything with painkillers, you said you were grateful that it wasn’t worse, and I felt truly ashamed.

“My dear sister, you went through so much. I hope you are only happy and free from pain where you are now!”

WHO IS KANG SEO HA?

Ayon sa Soompi.com, nagsimula ang showbiz career ni Kang Seo Ha noong 2012 nang mapasama siya sa music video na “Getting Farther Away” ng K-pop band na Brave Guys.

Korean actress Kang Seo Ha passes away at 31

Kang Seo Ha passed away at 31 after battling stomach cancer. 
Photo/s: @yewonyewoni on Instagram

Matapos nito ay nagsunud-sunod na ang acting project ni Kang Seo Ha.

Kabilang dito ang mga K-drama na Schoolgirl Detectives (2014), Assembly (2015), First Love Again (2016), Through the Waves at Heart Surgeons (2018), at Nobody Knows (2020).

Bago ang kanyang pagpanaw ay nakagawa pa ng pelikula si Kang Seo Ha kasama ang Korean K-drama star na sina Kim Seon Ho and Park Gyu Young, ang Mangnaein (In The Net).