Sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa umano’y selosan sa pagitan ni Elias TV at ng kanyang live-in partner, nagsalita na ang manager ng singer na si Beverly Pumicpic Labadlabad upang linawin ang sitwasyon at ilahad ang epekto nito sa mga proyekto ni Elias.

Source: Facebook
Ayon kay Labadlabad, ilang mahahalagang interviews at shows na sana’y magpapalakas pa sa karera ng singer ang hindi nito nadaluhan dahil sa personal na alitan nila ng kanyang partner.
“Alam mo, July 11, may show siya dapat dito sa Manila. Na-cancel. Kasi hindi pumayag ‘yung babae, ‘yung partner niya,” pagbubunyag ng manager.
Dagdag pa niya, ilang beses na ring na-indian ni Elias ang mga nakatakdang interviews, kabilang na ang kina MJ Felipe ng ABS-CBN at maging kay Boy Abunda.
“Si Elias may interview siya kay Sir MJ Felipe. Na-cancel. In-indian niya. Kasi wala siyang tulog. Nag-aaway kasi sila. Nakakahiya bilang manager,” ani Labadlabad.
“Kahapon kay Boy Abunda, na-cancel. Hindi niya din pinuntahan. Kasi nga dahil din sa away nila. Kailangan niyang umuwi sa kanila,” dagdag pa niya.
Aminado si Labadlabad na naapektuhan na ang trabaho ni Elias at umaasa siyang maresolba agad ang personal nitong problema upang makabalik ito sa pagtutok sa kanyang karera.
Wala pang pahayag mula kay Elias o sa kanyang partner hinggil sa isyu habang patuloy na umaasa ang kanyang mga tagahanga na masolusyunan ito sa lalong madaling panahon.
Si Elias J. TV (real name Elias Lintucan) ay isang vlogger, frontman ng reggae group na Kalumad Band, at miyembro ng tribong Manobo mula North Cotabato. Nakilala siya sa kanyang mga dance moves at viral online content, na nagdala sa kanya ng pansin mula Mindanao hanggang sa kontrata sa ABS‑CBN Global. Matatandaang naibahagi na rin sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kanyang buhay at kung ano ang naging inspirasyon niya sa kanyang nag-viral na dance moves. Doon, unang isinapubliko ni Elias ang tungkol sa anak at kanyang live-in partner.
Naging maugong ang isyu ng selos mula sa partner nitong si Abegail at sa bagong manager ni Elias na si Beverly. Sa panayam ni Ogie Diaz sa manager ni Elias, sinabing nakilala lamang niya ito nang mai-book niya ang banda ni Elias sa event na bahagi umano ng kanyang kampanya. Sinabing si Elias mismo ang gumawa ng paraan na siya ay makuha nito bilang manager. Aniya, malaki na ang naitulong niya sa mang-aawit na milyon na umano ang kinita mula nang ma-manage niya.
News
Kris Aquino, patuloy ang laban sa sakit habang unti-unting lumalakas
Patuloy ang laban ni Kris Aquino sa kanyang autoimmune illnesses, at bagama’t mabagal ang progreso, dama ng mga malalapit sa kanya ang…
Late but Legendary: Actress Eunice Lagusad Finally Finishes High School at 27!
Actress Eunice Lagusad is celebrating a major life milestone! She has officially finished high school at the age of 27 through…
NAPAIYAK ANG LAHAT! Eat Bulaga Family Nabigla sa Biglaang Pagpanaw ng Mahal na Kasamahan — Mga Huling Sandali, Emosyonal na Mensahe, at Ang Tunay na Sanhi ng Kanyang Pagkawala, Isiniwalat na Ngayong Araw! 😢💔 Buong Bansa, Nagluluksa!
Eat Bulaga Nalugmok Sa Pagdadalamhati: Kasamahang 22 Taon Na Sa Show, Pumanaw Na Isang mabigat na balita ang bumungad sa…
MATINDING PANGYAYARI BAGO MANGANAK! Iya Villania, HALOS HINDI NA ITULOY ANG PAGPAPANGANAK DAHIL SA MATINDING TAKOT—Isiniwalat ang Kinahaharap na Peligro na Kumabog sa Puso ng Buong Pamilya! Netizens, Napaluha sa Kanyang Pag-amin at Laban Para sa Anak!
Ibinahagi ng Kapuso TV host na si Iya Villania-Arellano ang kanyang naramdaman bago ang pagsilang ng kanilang baby number 5…
Benj Manalo, nagbigay ng update sa ‘ACL recovery’ isang buwan matapos ang surgery
Si Benj Manalo, isang kilalang Filipino actor, ay umani ng atensyon online matapos niyang ibahagi ang kanyang kalagayan isang buwan…
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short …
End of content
No more pages to load