Hindi lang acting skills ang ipinamalas ni Maris Racal sa ‘Rainbow Rumble’ episode noong Linggo, Hulyo 13—pati sense of humor at quick reflexes niya, bumida rin! Sa isang nakakatawang eksena sa game show hosted by Luis Manzano at Negi, napa-“Rico what?” si Maris matapos siyang mabilisang sumagot sa tanong tungkol sa isang ’80s hit song.

Maris Racal, napa-“Rico what?” sa tanong tungkol sa isang ’80s hit songMaris Racal, napa-“Rico what?” sa tanong tungkol sa isang ’80s hit song (📷@mariesteller/Instagram)
Source: Instagram

Kasama ang buong cast at creatives ng internationally-acclaimed film na ‘Sunshine,’ kabilang sina Elijah Canlas, Meryll Soriano, director Antoinette Jadaone at producer Dan Villegas, nag-enjoy sila sa makulit na palaro habang naglalaban para sa premyo. Sa gitna ng laro, binasa ni Luis ang tanong: “Kumpletuhin ang hit song ng ’80s American pop group na Breakfast Club: Rick (blank).”

Hindi pa man tapos ang pag-process ng tanong, agad na pinindot ni Maris ang sensor at nagbitaw ng sagot na: “What? Rico, what?” Ang kanyang sagot ay agad na ikinatawa ng buong studio—mula sa mga co-stars hanggang sa hosts. Pabirong tugon ni Luis: “Maris, hindi siya, ah.” Nakuha tuloy ni Meryll Soriano ang tamang sagot na “Mambo,” para sa kantang ‘Rico Mambo.’

Gayunpaman, hindi nagpahuli si Maris dahil siya pa rin ang tinanghal na ‘winning rumbler of the night,’ at isang cube na lang sana ang layo niya sa pagkapanalo ng grand PHP 1 million pot money.

Ang naturang eksena ay agad nag-viral sa social media matapos i-post ng user na AltStarMagic sa X (formerly Twitter). As of writing, umabot na sa mahigit 281,000 views at 10,000 likes ang clip—isang patunay ng natural na aliw factor ni Maris kahit off-script.

Related Posts

Si Maris Racal ay kilalang aktres at singer na lumabas sa iba’t ibang teleserye at pelikula. Bukod sa pagiging bida sa ‘Sunshine’—isang critically acclaimed film na pinarangalan ng Crystal Bear for Best Film sa 2025 Berlin International Film Festival—aktibo rin siya sa TV bilang bahagi ng action-drama series na ‘Incognito’, na kasalukuyang nasa huling linggo ng airing.

Manager ni Elias TV, nagsalita na kaugnay sa isyu ng “selos” at kanseladong mga raket

Ipinamalas din ni Maris ang kanyang pagiging versatile artista—mula sa drama, music, comedy at ngayon pati na rin sa mga unscripted, viral game show moments!

Sa isang nakakatuwang Instagram post, inilarawan ni Maris ang kanyang sarili bilang isang “strong woman” sa isang witty way. Marami ang naka-relate sa kanyang caption na may halong humor at empowerment, lalo’t kilala si Maris sa pagiging bukas sa kanyang emotions at experiences. Minsan man siyang mapagkamalang marupok, ipinapakita rin niya na may tapang siyang harapin ang buhay—whether sa relasyon, trabaho o pang-araw-araw.

Sa isang candid na panayam, inamin ni Maris na minsan na rin niyang naisip na sumuko sa relasyon dahil sa matinding pagsisisi. Ngunit sa halip na tuluyang bumigay, pinili niyang matuto at magpakatatag. Muli niyang pinatunayan na ang kanyang pagiging totoo sa sarili ang mas lalo pang nagpapalapit sa kanya sa mga fans.