Kim Chiu: “I tried to stay calm, prayed hard, and thankfully, we landed safely.”
Kim Chiu says she tried looking for “Seat 11A” on her flight after plane experienced technical issue: “So much so that I caught myself looking for seat 11A-because, according to the internet, it’s the ‘safest seat.’ Except… our plane’s seats started at 21.”
PHOTO/S: Instagram
Ibinahagi ng Kapamilya star na si Kim Chiu ang kanyang “OMG” moment matapos niyang makaranas ng flight delay dahil sa technical issue.
Papunta sanang Butuan City si Kim para sa isang out-of-town engagement kahapon, July 9, 2025.
Ngunit makalipas lamang daw ang humigit-kumulang 15 minuto matapos mag-takeoff ang sinasakyan niyang eroplano, inanunsiyo ng pilotong may technical issue kaya kailangan nilang bumalik sa airport sa Maynila.
Lahad ni Kim sa X (dating Twitter): “Nakaka O to the M to the G moment!!!!
“Our plane @flyPAL going to Butuan had to turn back to Manila just 10-15 minutes after takeoff due to a technical issue.
“Mid-air, I found myself lowkey panicking—my mind racing, even looking for seat 11A.
“I tried to stay calm, prayed hard, and thankfully, we landed safely. What a morning. back in Manila.”
KIM CHIU JOKES ABOUT SEAT 11A
Sa kanyang Instagram Story, may mas mahabang kuwento si Kim tungkol sa pangyayari.
Ayon sa actress-TV host, sumagi sa isipan niyang hanapin ang “Seat 11A” dahil ito ang “safest seat” sa mga eroplano.
Ang Seat 11A ay ang upuan ng lone survivor ng nag-crash na Boeing 787-8 Dreamliner ng Air India sa residential area ng Ahmedabad noong June 12, 2025.
Ito rin ang seat number ng Thai singer-actor na si James Ruangsak Loychusak na nakaligtas naman sa plane crash noong December 11, 1998.
Ang problema nga lang daw, nagsimula ang plane seating ng PAL sa 21.
Sabi ni Kim, “O to the M to the G PR2967
“Maybe reading too much news lately got me a nervous today.
“So much so that I caught myself looking for seat 11A-because, according to the internet, it’s the ‘safest seat.’
“Except… our plane’s seats started at 21. Hala!”
Dagdag pang kuwento ni Kim, nagtataka siya kung bakit pabalik-balik ang crew ng eroplano sa cockpit noong nakalipad na sila.
Kaya nang inanunsiyong may technical issue ang kanilang eroplano, nagdasal na lamang daw siya.
Aniya: “Quick story: Our flight was at 4:30am, and we finally took off around 5-ish.
“But just minutes after takeoff, the pilot announced we had to return to Manila due to a technical issue.
“Before that, the crew had been going in and out of the cockpit, which already had me low-key panicking.
“I tried to calm myself by sleeping it off, but when I woke up and we were still on the ground…. my thoughts went wild.
“As we turned back mid-air, all l could do was pray.
“But by God’s grace, we landed safely back in Manila.”
Napagtanto raw ni Kim na hindi talaga masisigurado ang kaligtasan.
Saad niya: “It was a frightening experience–but I’m grateful. Grateful we made it back. Grateful to walk off that plane and breathe a little easier.
“Safety should never feel uncertain, but today reminded me just how precious and fragile life is.”
Natuloy naman si Kim sa kanyang guest appearance sa Butuan.
News
Kris Aquino, patuloy ang laban sa sakit habang unti-unting lumalakas
Patuloy ang laban ni Kris Aquino sa kanyang autoimmune illnesses, at bagama’t mabagal ang progreso, dama ng mga malalapit sa kanya ang…
Late but Legendary: Actress Eunice Lagusad Finally Finishes High School at 27!
Actress Eunice Lagusad is celebrating a major life milestone! She has officially finished high school at the age of 27 through…
NAPAIYAK ANG LAHAT! Eat Bulaga Family Nabigla sa Biglaang Pagpanaw ng Mahal na Kasamahan — Mga Huling Sandali, Emosyonal na Mensahe, at Ang Tunay na Sanhi ng Kanyang Pagkawala, Isiniwalat na Ngayong Araw! 😢💔 Buong Bansa, Nagluluksa!
Eat Bulaga Nalugmok Sa Pagdadalamhati: Kasamahang 22 Taon Na Sa Show, Pumanaw Na Isang mabigat na balita ang bumungad sa…
MATINDING PANGYAYARI BAGO MANGANAK! Iya Villania, HALOS HINDI NA ITULOY ANG PAGPAPANGANAK DAHIL SA MATINDING TAKOT—Isiniwalat ang Kinahaharap na Peligro na Kumabog sa Puso ng Buong Pamilya! Netizens, Napaluha sa Kanyang Pag-amin at Laban Para sa Anak!
Ibinahagi ng Kapuso TV host na si Iya Villania-Arellano ang kanyang naramdaman bago ang pagsilang ng kanilang baby number 5…
Benj Manalo, nagbigay ng update sa ‘ACL recovery’ isang buwan matapos ang surgery
Si Benj Manalo, isang kilalang Filipino actor, ay umani ng atensyon online matapos niyang ibahagi ang kanyang kalagayan isang buwan…
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short
Inside Drake’s EPIC Wireless after-party with A-list celebs and OnlyFans star after fans moan final show was cut short …
End of content
No more pages to load